CALLWORK COMICS

CALLWORK COMICS
Callwork Comics by Hazel Manzano is the Philippines' Premier Call Center-Themed Comics! FREE DELIVERY NATIONWIDE! ORDER NOW!

Sunday, September 21, 2008

Call Center Sa Probinsya

Mas prefer nyo bang magwork sa province sa mga bagong international call centers? Di kasi katulad sa Metro Manila na napaka congested na, mahal pa ang cost of living, compared sa province almost sure ka na mura ang bilihin, at hindi pa polluted. Ang nabalitaan ko is sa Tacloban mayroon nang bagong tayong APAC, located sa Leyte ICT Park. I grew up in Metro Cebu at alam ko na mostly ng mga nagpupunta sa Cebu ay galing sa mga karatig probinsya sa Visayas at Mindanao, kaya it’s a good idea to decongest the urban areas by creating more jobs in the provinces. Pero pano kung sobrang baba ng basic pay ang i-offer ng APAC sa mga agents sa Tacloban? Ang napag alaman ko na sa Teletech Bacolod, ang basic monthly pay ay 8,000 pesos. Sapat na ba yun para bumuhay ng isang medium sized family? Eh di parang ang bagsak nun ay luluwas din ang mga agents to Cebu or Manila for a better pay. I remember na may kaibigan ako from Cebu City na nag-apply papuntang Manila to try her luck here and she was offered a one-time relocation package by e-Pldt. She was single then so it was a good deal.


I often think what if ako naman ang mag relocate to Cebu? I lived in Cebu for 9 years and I saw the city boom from a sleepy city to a bustling urban center. Ang alam ko mas mura ang basic commodities, tuition fees ng private schools at hospitalization na more or less an advantage sa mga nagbabalak bumuo ng isang family. We will see if any other cool call centers will sprout in the provinces, and let's try to think if it's worth to be called "promdi" again.


0 comments. share it here, thanks!:

Twitter Delicious Facebook Digg Favorites More